SUPORTA SA EDUKASYON NG MGA KABATAANGALAMINIAN, PINAIIGTING SA PAMAMAHAGI NG SCHOLARSHIPS ALLOWANCE

Patuloy na isinusulong ng administrasyon ni Mayor Arth Bryan Celeste ang suporta sa edukasyon ng mga kabataang Alaminian sa pamamagitan ng pamamahagi ng allowance at certificates sa mga Category B scholars para sa unang semestre ng taong panuruan 2026–2027.

Sinimulan ang pamamahagi nitong nagdaang Sabado, kasabay ng pagdalo bilang panauhing tagapagsalita ni FO1 Francis Ramil Anthony Fernandez.

Bukod sa tulong pinansiyal, isinagawa rin ang orientation at registration para sa iAccess App upang mapadali ang pag-access ng mga iskolar sa mga digital na serbisyo ng Pamahalaang Lungsod.

Sa pamamagitan ng scholarship program at iba pang serbisyong pang-edukasyon, layunin ng lokal na pamahalaan na makatulong sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral at masuportahan ang kanilang pagpapatuloy sa pag-aaral.

Nagpatuloy ang pamamahagi sa ikalawang araw, bilang bahagi ng mga hakbang ng Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa ilalim ng liderato ni Mayor Arth Bryan Celeste, upang mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming kabataan na maitaguyod ang kanilang edukasyon at maihanda ang kanilang kinabukasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments