Gagamitin ang bagong MPV sa iba’t ibang opisyal na gawain ng Sangguniang Bayan, kabilang ang pagdalo sa mga pagpupulong, inspeksyon sa mga proyektong pangkaunlaran, monitoring ng mga programa, at iba pang aktibidad na may kaugnayan sa pamamahala at pagpapaunlad ng bayan.
Inaasahan ng Pamahalaang Bayan ng Tayug na ang karagdagang sasakyan ay makatutulong sa mas mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga residente at magpapalakas sa kakayahan ng lokal na pamahalaan na maihatid ang mga serbisyo sa iba’t ibang bahagi ng munisipalidad.
Binigyang-diin din ng lokal na pamahalaan na patuloy itong namumuhunan sa mga kagamitan at pasilidad na magpapahusay sa kalidad ng serbisyo publiko, bilang bahagi ng layunin nitong makapagbigay ng mas maayos, mas mabilis, at mas epektibong paglilingkod para sa bawat Tayugenian. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






