Sa ilalim ng ordinansa, ipinagbabawal ang pananatili ng mga indibidwal na wala pang 18 taong gulang sa mga pampublikong lugar mula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga, maliban kung sila ay kabilang sa mga itinakdang exemption.
Kabilang sa mga hindi sakop ng curfew ang mga menor de edad na may kasamang magulang o legal na tagapag-alaga, mga dumadalo sa mga aktibidad na may kaugnayan sa paaralan, relihiyon, o opisyal na programa ng pamahalaan, mga nagtatrabaho o working students, mga bumiyahe dahil sa emergency, at iba pang sitwasyong pinahihintulutan ng ordinansa.
Alinsunod sa Republic Act No. 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act, na inamyendahan ng Republic Act No. 10630, ang mga menor de edad na lalabag sa curfew ay hindi ikukulong o papatawan ng pisikal na parusa.
Sa halip, sasailalim sila sa mga intervention program tulad ng pagpapayo, counseling, at iba pang community-based interventions. May nakalaan ding kaukulang pananagutan at interbensyon para sa mga magulang o legal na tagapag-alaga alinsunod sa umiiral na batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







