Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang mga scholar graduates na nakakuha ng latin honors maging ang mga board passers noong Hulyo 27, 2026.
Pinakamataas na parangal na nakuha ang summa cumlaude na si Josephine M. Legaspi na nagtapos ng Bachelor of Science in Business Administration Financial Management sa isang unibersidad sa lungsod.
Inihayag niya sa kanyang mensahe na malaking tulong ang pagiging iskolar sa kanyang pagpapatuloy sa pag-aaral.
Nakatanggap si Josephine ng P20,000 mula sa pamahalaang lungsod bilang pagkilala sa kanyang tagumpay.
Samantala, kinilala rin ang anim na nakapagtapos bilang cumlaude na sina Gemagne S. Arzadon, Shanyne Christabel C. Calimlim, Jenelyn E. Delos Angeles, Ryan Infante Dela Cruz, Idelfa May P. Songcuan, at Ann Margarette A. Tumbokon.
Magna cumlaude naman sina Gracezalen Cochico at Kacy Ymelia F. Calimlim, habang sunod namang binigyang parangal ang board passer na si Cristine Mirialian Garcia na nag-Top 1 sa 2026 Philippine National Police Entrance Examination.
P5,000 ang cash incentives na ibinigay sa mga cumlaude, P10,000 naman para sa magna cumlaude, at P5,000 ang scholar na board passer. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






