Bagong Omicron subvariant, na-detect sa bansa

Kinumpirma ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ang na-detect sa bansa na bagong Omicron subvariant na BQ.1.

Ayon kay Vergeire, ang BQ.1 subvariant ay mas madaling makahawa at “highly immune evasive” kumpara sa ibang Omicron subvariants.

Kinumpirma rin ng opisyal na 14 nang kaso ng Omicron subvariant BQ.1 ang naitala sa bansa.


13 dito ay local cases mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Regions I, IV-A, VII at National Capital Region (NCR).

Iginiit naman ni Vergeire na ang pagbabakuna pa rin ang pinakamabisang panlaban kontra sa bagong subvariant.

Facebook Comments