Bagong Oplan Visa, Available na sa PNP Cauayan City

45
Cauayan City, Isabela- Ipinapabatid ng Cauayan City Police Station sa mga may-ari ng single motorcycle na maaari nang kumuha ng bagong Oplan Visa sa kanilang himpilan.

Bago magtungo sa himpilan ng pulisya, kinakailangan lamang dalhin ang mga sumusunod na requirements;
1. PNP LINGKOD BAYANIHAN REGISTRATION
2. Motor
3. OR
4. CR
5. Driver’s License
6. Deed of Sale (kapag nabili ng second hand ang motor)
7. Certification (kapag bago/kabibili/hulugan ang motor)

Para naman sa mga nag-apply noong taong 2016 hanggang May 2021 ay maaari nang magtungo sa Cauayan City Police Station para kunin ang Oplan Visa Sticker.

Muling ipinaalala ng kapulisan sa mga magtutungo sa kanilang himpilan na sumunod sa health protocols para makaiwas sa hawaan o pagkalat ng Coronavirus.

Facebook Comments