Bagong pinuno ng PSG, itinalaga ni Pangulong Duterte

1405

May napili nang bagong pinuno ng Presidential Security Group o PSG si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa katauhan ni Colonel Jesus Durante.


Si Durante ay kabilang sa Philippine Military Academy o PMA Class of ’92 at kasalukuyang Commanding officer ng presidential escorts ni Pangulong Duterte.

Habang si Outgoing PSG Commander, Brig. Gen. Jose Eriel Niembra ay itatalaga ni Pangulong Duterte bilang Brigade commander ng 701st Brigade ng Philippine Army.

Bukas nakatakdang gawin ang change of command ceremony sa PSG ground sa Malakanyang.

Facebook Comments