Monday, May 11, 2026

Pagsuporta ng House leaders sa impeachment laban kay VP Duterte, hindi matitinag ng mga political threats

Tiniyak ni House Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V na hindi matitinag ng mga political threats ang pagsuporta ng mga lider ng Kamara sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Reaksyon ito ni Ortega sa banta ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na ang mga kongresista na susuporta sa impeachment laban kay VP Duterte ay hindi papayagang kumandidato sa ilalim ng partido.

Diin ni Ortega, ang konsitusyon ang kanilang mga magiging gabay sa pagpapasya kaugnay sa impeachment kay VP Sara at hindi ang mga pagbabantang pampulita.

Ngayong araw ay natakdang pagbotohan sa plenaryo ang committee report, resolution at articles of impeachment laban kay VP Duterte.

Ayon kay Ortega, mananaig sa kanilang pagdedesisyon ang boses ng mamamayan na naghahangad ng pananagutan mula sa mga opisyal ng ating gobyerno at hindi ang boses ng isang partido politikal.

Facebook Comments