Pahirapan kasi para sa mga kawani ng kanilang Material Recovery Facility o MRF ang pag-aayos at pagsesegregate ng mga basura sa kanilang tanggapan na kalaunay kinukaha ng mga kawani ng Waste Management Division ng Dagupan City.
Ayon kay Punong Barangay Wilmer Castañares ng Barangay Bonuan Binloc, nahihirapan sila sa pagsasaayos ng mga basura sa kanilang MRF dahil sa kakulangan ng proper segregation sa mga basura lalo na’t umaabot sa 10,000kg ang bigat ng mga basurang kinuhkuha araw-araw.
Paalala naman ni Castañares sa mga residente na isagawa ang proper segregation sa mga basura upang madaling maiayos at mahakot ang mga ito.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagsasaayos at pagsesegregate ng mga kawani ng MRF ng Bonuan Binloc sa mga basura sa kanilang tanggapan.
Hiling din nila ang maayos na pagtatapon at paghihiwalay ng mga ito, lalo na sa mga basura na maaring makaaksidente tulad na lamang ng mga basag na bote. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








