Bagong provincial police office, itatatag sa Maguindanao province

38

Magkakaroon ng bagong police provincial office sa Maguindanao.

Ito ay kasunod narin ng naging matagumpay na plebisito na naghati sa dating Maguindano province sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr., inatasan na niya si PNP Directorate for Plans Director PBGen. Bernard Banac na bumuo ng bagong police provincial office sa Maguindanao.


Aniya, maaaring pumili ang kasalukuyang Maguindanao provincial director kung saan siya sa dalawang bagong lalawigan manunungkulan at magtatalaga naman ng bagong provincial director sa kabilang lalawigan.

Hahatiin din ang buong pwersa ng Maguindanao provincial police office at saka pupunuan ng karagdagang mga tauhan.

Ani Azurin, ang paglikha ng dalawang bagong lalawigan sa pamamagitan ng mapayapang plebesito ay magandang development na senyales ng pag-unlad ng Maguindanao.



Facebook Comments