Tuesday, November 17, 2026

Liderato ng Kamara, tiniyak na makakatugon sa El Niño ang 2027 national budget

Sinigurado ni House Speaker Faustino Bodjie Dy III na makakatugon sa Super El Niño Phenomenon ang ipinasa ng Kamara na panukalang 2027 National Budget na may kabuuang halaga na 7.2 trillion pesos.

Ayon kay Dy, ibinatay nila ang pagbusisi ng budget sa pinakamahalagang pamantayan – at ito ang pangangailangan ng mamamayan — mula sa edukasyon at kalusugan hanggang sa paghahanda sa mga sakunang dulot ng climate change, katulad ng El Niño.

Diin ni Dy, hindi pa man dumarating, ay maagap ng kumilos ang Kamara para mabigyan ng karagdagang pondo ang paghahanda laban sa “Super El Niño” na inaasahang makakaapekto sa libu-libong mangingisda at magsasaka.

Sabi ni Dy, bunsod nito ay nilaanan nila ng dagdag na ₱10 billion ang
Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolk, ₱500 million naman para sa Expanded Fertilizer Assistance, at ₱4.09 billion para sa irrigation projects sa buong bansa.

Binaggit ni Dy na nilaanan din ng ₱150 million ang agricultural transport infrastructure, ₱4.96 billion naman para sa Farm-to-Market Roads, ₱100 million para sa high-value crops, at ₱331 million para sa Climate Resilient Farm Productivity Support.

Facebook Comments