
Kinalampag harap-harapan ni Senate President Win Gatchalian ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na aksyunan ang patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy, sinabihan ni Gatchalian ang DOE at ERC na i-audit ang mga pass thru charges o mga ikinakarga ng mga kumpanya ng kuryente sa bayarin ng publiko bukod sa system losses.
Pinamamadali ng senador sa DOE at ERC ang pag-aksyon dahil tataas na naman ang singil ng Meralco sa mga susunod na araw.
Kasama rin sa pinaaaksyunan ng mambabatas ang pagtaas sa singil sa kuryente sa Visayas at Mindanao at sa malimit na pagnipis ng suplay ng kuryente.
Punto ni Gatchalian, pangalawa na ang Pilipinas sa Singapore sa may pinakamataas na singil sa kuryente.










