
Tinawag ni financial expert Atty. Alexander Cabrera na kakaiba ang Cale88 Food Corporation, ang kumpanyang iniuugnay sa mister ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Mans Carpio.
Sa interjection ni Senator-judge Raffy Tulfo, tinanong niya si Cabrera kung nagtutugma ba sa mga pumapasok na pera at kita ang mga gastusin ng kumpanyang nagma-manufacture ng banana chips.
Ayon kay Cabrera, ibinangga niya ang Cale88 sa anim na exporters na kumpanya na kumikita rin kada taon ng P200 million.
Sa pagsusuri ni Cabrera, ang ibang mga kumpanya ay malalaki ang property, planta at equipment pero masyadong maliit ang sa Cale88.
Maliban dito, marami ring inventory ng raw materials ang mga kumpanya dahil manufacturer nga ang mga ito, malaki rin ang accounts receivable at accounts payable at magaganda rin ang kita ng negosyo.
Dagdag pa ni Cabrera, mistulang isang revolving door ang Cale88 dahil maraming pumapasok at lumalabas na pera pero nananatili pa ring lugi ang kumpanya.










