Ilang Pinoy sa Japan, lumikas matapos ang pananalasa ng bagyo

Kinumpirma ng Philippine Consulate sa Osaka na may ilang Pilipino ang lumikas kasunod na pananalasa ng bagyo sa Japan.

Partikular na lumikas ang mga Pinoy sa Kagoshima Prefecture na inabisuhan ng local government na mag-evacuate.

Ayon sa Konsulada, wala namang mga Pinoy na matinding naapektuhan ng bagyo.


Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang Philippine Consulate sa Filipino community lalo na sa southwestern area ng Japan.

Facebook Comments