Ito ay matapos ang isinagawang 3rd Quarter Special DRRM Meeting ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at iba pang response clusters nitong Setyembre para balikan ang naging pagtugon sa mga insidente sa lalawigan.
Dumalo rito ang mga kinatawan ng Pangasinan Provincial Police Office, Bureau of Fire Protection, Coast Guard Station Pangasinan, Armed Forces of the Philippines at mga MDRRMO.
Kabilang sa mga isinagawa ng mga response team sa kasagsagan ng matinding pag-ulan at baha ang search and rescue, evacuation, roving inspections, relief operations at libreng sakay para sa mga naapektuhang residente.
Binalikan sa pulong ang timeline ng mga weather disturbance, rainfall data at kondisyon ng mga dam na mahigpit na minonitor habang nagpapatuloy ang matinding pag-ulan.
Kaugnay nito, nagpapatuloy ang search and rescue operation kaugnay ng insidente sa Tarlac, kung saan isa pa rin ang naiulat na nawawala.
Pinangunahan ni Vincent Chiu, Head of Operations and Training Unit ng PDRRMO, ang debriefing kasabay ng pagkilala sa naging pagtutulungan ng mga response team sa pagtugon sa buong lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







