
CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng anti-illegal drug buy-bust operation ang kapulisan ng Solano Police Station dahilan ng pagkakadakip ng isang lalaki sa Barangay Quezon, Solano, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang suspek na si alyas “Rick”, tinatayang nasa wastong taong gulang, isang vendor, at residente ng nabanggit na lugar.
Naaresto ang suspek matapos nitong bentahan ng isang (1) medium-sized na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang isang operatibang nagpanggap na buyer.
Maliban dito, nakuha rin mula sa kanya ang tatlong (3) piraso ng transparent heat-sealed plastic sachet ng shabu at iba pang drug paraphernalia.
Matapos ang operasyon, dinala si alyas “Rick” sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at mahaharap sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.