Isinagawa na ang inspeksyon sa mga kagamitan sa pasilidad bilang paghahanda sa pagbubukas ng bagong science building, kasama sina DCNHS Principal Dr. Willy Guieb at Supreme Secondary Learner Government President Jhaezmine Garcia.
Kabilang sa mga kagamitang nakalaan sa pasilidad ang computers, tablets, printers, 3D printers, robotics equipment, virtual laboratories at interactive televisions para sa science classrooms.
Mayroon din itong mga silid-aralan na may trapezoid tables at iba pang furniture na maaaring gamitin para sa collaborative at interactive learning.
Ang proyekto ay isinagawa sa suporta ng Department of Science and Technology at ng LGU School Board.
Inaasahang gagamitin ang pasilidad upang mapalawak ang hands-on learning ng mga estudyante, partikular sa science at technology. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
