WANTED SA QUALIFIED THEFT, TIMBOG SA SAN NICOLAS

Isang indibidwal na wanted sa kasong Qualified Theft ang arestado ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest sa Brgy. 3, San Ildefonso, San Nicolas, Ilocos Norte noong Agosto 10, 2026.

Isinagawa ng San Nicolas Municipal Police Station, katuwang ang RIU, RID-PRO1, PIU, 101st RMFB1 at INMARPSTA, ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado.

Ang warrant ay kaugnay ng paglabag sa Article 310, in relation to Article 308 ng Revised Penal Code, na may ₱10,000 inirekomendang piyansa.

Nasa kustodiya na ng San Nicolas MPS ang naaresto para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments