Tuesday, August 11, 2026

Pangmatagalang solusyon, kailangan na sa Metro Manila dahil sa lumalalang pagbaha —DPWH

Napapanahon na para lumikha ng isang masterplan at pangmatagalang solusyon para maresolba ang problema ng pagbaha sa Metro Manila.

Ayon kay Department of Public Works and Highways o DPWH Sec. Vince Dizon, kabilang sa mga posibleng solusyon ang pagtatayo ng waste to energy facilities sa Metro Manila.

Dapat ay makipag-ugnayan din sa mga private sector para malaman kung ano pang solusyon ang kanilang mairerekomenda dahil sa lumalalang problema sa pagbaha.

Una rito, ininspeksiyon ni Dizon ang Baclaran Channel sa Paranaque kung saan napagpad ang malaking volume ng basura dulot ng high tide at sama ng panahon.

Sa pagtaya ng kalihim aabot sa 100 truck ng basura ang kailangang hakutin para malinis ang waterways sa area.

Nagpapakita aniya ito kung gaano na kalala ang basura sa Metro Manila na isang sanhi ng pagbaha.

Ikinukonsidera naman ni Dizon na garbage crisis na ang lulalalang problema sa basura sa Metro Manila.

Facebook Comments