Hindi umano nagagamit ng mga residente ng Barangay Maniboc ang bleachers na ito sa Lingayen Baywalk dahil natabunan ng buhangin.
Sa ibinahaging social media post ng isang konsehal, makikita ang kalagayan ng naturang pasilidad. Pagtataka rin ng mga ito kung bakit umano napadpad sa bleachers ang naipong buhangin.
Sa ibinahaging social media post ng isang konsehal, makikita ang kalagayan ng naturang pasilidad. Pagtataka rin ng mga ito kung bakit umano napadpad sa bleachers ang naipong buhangin.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Jerwin Tandoc, residente ng Barangay Maniboc, sinabi niyang nagmumula ang lupa sa likod ng bleachers.
Aniya, tuwing malalakas ang hangin, tinatangay ang buhangin at lupa mula sa dalampasigan hanggang sa matabunan ang naturang pasilidad.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang pamunuan ng Barangay Maniboc dahil nasa ilalim umano ng pangangasiwa ng pamahalaang panlalawigan ang Provincial Baywalk.
Sa kasalukuyan, sinisikap ng IFM News Dagupan na makapanayam ang pamahalaang bayan ng Lingayen at ang mga kinauukulang opisyal upang alamin kung may nakatakdang paglilinis o rehabilitasyon sa naturang pasilidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










