Nagsagawa ng inspeksyon ang Provincial Engineering Office (PEO) sa mga pangunahing ilog sa bayan ng Mangaldan bilang paghahanda sa isasagawang panukalang dredging upang makatulong sa paglutas ng problema sa pagbaha.
Kabilang sa mga isinailalim sa inspeksyon ang Old Mangaldan River, Angalacan River, Paldaquit River, at Mangueragday River upang matukoy ang antas ng siltation o pag-ipon ng putik, basura, at iba pang sagabal na maaaring makaapekto sa maayos na daloy ng tubig.
Ayon sa mga awtoridad, mahalagang bahagi ng flood mitigation ang dredging dahil nililinis at pinalalalim nito ang mga ilog sa pamamagitan ng pagtanggal ng naipong latak.
Sa pamamagitan nito, mas napapadali ang daloy ng tubig at nababawasan ang posibilidad ng pag-apaw ng ilog tuwing malalakas ang pag-ulan.
Inaasahang makatutulong ang naturang proyekto sa pagprotekta sa mga kabahayan, sakahan, kalsada, at iba pang imprastruktura sa mga lugar na madalas maapektuhan ng pagbaha.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng LGU Mangaldan sa Pamahalaang Panlalawigan at iba pang ahensya ng pamahalaan upang maisulong ang mga kinakailangang flood control projects at mapalakas ang kahandaan ng bayan laban sa pagbaha. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments