Friday, July 31, 2026

HIGIT ISANG DAANG MAHIHIRAP NA DAGUPEÑO, TUMANGGAP NG TULONG PINANSYAL

Umabot sa 173 mahihirap na residente ng Dagupan ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ngayong Huwebes, Hulyo 30.

Pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), CMO–Social Service Unit, at City Treasurer’s Office ang payout upang matiyak ang maayos na pamamahagi ng ayuda sa mga benepisyaryo.

Bukod sa financial assistance, nagsagawa rin ng lecture ukol sa mental health na pinangunahan ng mga psychometrician upang mapalawak ang kaalaman ng mga dumalo sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan.

Nagbigay rin ng orientation sa disaster preparedness ang mga kawani mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), kung saan hinikayat ang mga residente na isabuhay ang mga natutunang hakbang sa paghahanda sa panahon ng sakuna.

Samantala, nagsagawa rin ng pagpaparehistro ang City Health Office para sa YAKAP at GAMOT Program ng PhilHealth.

Sa ilalim ng programa, maaaring makatanggap ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng outpatient medicines na nagkakahalaga ng hanggang ₱20,000 para sa mga may altapresyon, diabetes, hika, sakit sa puso, at iba pang chronic illnesses. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments