Monday, August 3, 2026

Sunog sa loob ng Batasan Pambansa Compound, patuloy na iniimbestigahan katuwang ang Office ng House Sergeant-at-Arms

COURTESY: BFP-QC

Nakikipagtulungan ang tanggapan ng House Sergeant-at-Arms sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) para matukoy ang sanhi ng sunog na naganap kahapon ng umaga sa isang storage facility sa loob ng compound ng House of Representatives at matiyak na hindi na ito mauulit.

Batay sa inilabas na pahayag ng tanggapan ni House Secretary General Cheloy Garafil, walang nasaktan sa nabanggit na sunog na nagsimula 9:30 ng umaga kahapon.

Agad itong naapula 9:57 AM dahil sa mabilis na pagresponde ng mga tauhan ng House of Representatives Fire Unit at BFP.

Batay sa pahayag ng Kamara, ang tanging naapektuhan ng sunog ay ang contractor’s storage facility at ang mga kagamitang nasa loob nito.

Tiniyak naman ng House of Representatives ang patuloy na implementasyon ng mataas na kalidad ng kaligtasan at seguridad sa Batasan Complex.

Facebook Comments