PAIIGTINGIN | AFP, mas pinaigting pa ang operasyon kasabay ng ika-49 na taong anibersaryo ng NPA

Manila, Philippines – Mas pinaigting ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang kanilang operasyon laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) bilang paghahanda sa ika-49 taong founding anniversary ng mga ito sa March 29, 2018.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, iniutos nya na sa lahat ng police regional directors ang mas masigasig na tactical operation para hindi malusutan.

Sinabi naman ni AFP Public Affairs Office Chief Lieutenant Colonel Emmanuel Garcia, puspusan din ang kanilang military operation nang sa ganun ay hindi makaubra ang mga teroristang komunista.


Aniya, nakasanayan na nila ang ginagawang pagsalakay, pambobomba sa mga pasilidad ng gobyerno tuwing magdiriwang ng anibersaryo ang NPA.

Kaya nanatili aniya ang kanilang pagiging proactive para manatiling payapa at ligtas ang komunidad lalo na sa mga lugar na malimit target ng NPA sa kanilang mga pagatake.

Facebook Comments