Nagsimula na sa ilang bayan sa Pangasinan ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA) 2026), kasabay ng nationwide vaccination campaign ngayong Agosto.
Sa Tayug, isinagawa noong Agosto 12 ang bakunahan sa Barangays Legaspi, Carriedo at Libertad.
Nagsagawa rin ng kickoff activities ang Rosales, San Fabian, Manaoag, Bayambang, Natividad, Mapandan at Mangaldan.
Magpapatuloy naman ang MRSIA mula Agosto 10 hanggang 28 sa mga health center at itinalagang vaccination posts sa mga barangay sa Villasis.
Target ng kampanya ang mga batang 6 hanggang 59 buwan. Sa Pangasinan, 275,230 bata ang target mabakunahan, pinakamalaki sa mga lalawigan sa Ilocos Region.
Ayon sa health authorities, may 92 suspected measles cases, 11 laboratory-confirmed measles cases at limang confirmed rubella cases na naitala sa Pangasinan mula Enero 1 hanggang Hulyo 6, 2026.
Dahil dito, hinikayat ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa pinakamalapit na health center o vaccination site habang nagpapatuloy ang kampanya hanggang Agosto 28. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










