Nahirapang makadaan at nabalahaw ang isang sasakyan sa makipot na bahagi ng kalsada sa Barangay Sapang, Sta. Barbara, Pangasinan, Agosto 13.
Nasa alanganing posisyon ang sasakyan matapos itong mapunta sa gilid ng pababang bahagi ng daan malapit sa isang tulay.
Agad na nagsagawa ng operasyon ang MDRRMO Sta. Barbara upang mailabas ang sasakyan at maiwasan ang posibleng aksidente.
Dahil sa kondisyon at puwesto ng sasakyan, kinailangan pang gumamit ng loader para maiahon ito.
Sa pagtutulungan ng rescue personnel at mga volunteer, matagumpay na nailipat sa ligtas na bahagi ng kalsada ang sasakyan.
Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.
Pinapayuhan ang mga motorista na maging alerto sa pagdaan sa mga makikipot at mahihirap na bahagi ng kalsada, lalo na kasunod ng mga pag-ulan na maaaring magdulot ng madulas o malambot na road conditions. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








