Wednesday, September 16, 2026

Deliberasyon ng panukalang 2027 national budget sa plenaryo ng Kamara, umarangkada na

Umarangkada na simula kahapon ang deliberasyon sa plenaryo ng Kamara para sa House Bill 10858 o panukalang 2027 National Budget na nagkakahalaga ng P7.2 trillion.

Sa kanyang sponsorship speech ay tiniyak ni House Committee on Appropriations Chairperson at Nueva Ecija Rep. Mika Suansing na bubusisiin nilang mabuti ang bawat line item sa budget upang matiyak na bawat piso ay may saysay, tiyak na kapaki-pakinabang, at direktang makakabuti sa bawat pamilyang Pilipino.

Binanggit ni Suansing na ang proposed FY 2027 General Appropriations Bill ay binalangkas sang-ayon sa layunin ng Philippine Development Plan 2023–2028 at Ambisyon Natin 2040, sa ilalim ng temang “People-Centered Growth for an Inclusive and Resilient Future.”

Ayon kay Suansing, ipapasa nila ang isang pambansang budget na magpapalakas sa ating ekonomiya at tutugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Sinimulan ang budget deliberations sa pagtalakay sa general principles and provisions at nasundan na ito ng debate sa proposed budget ng mga ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments