Bakunahan sa MRT, idaraos bago matapos ang Marso

52

Sa layuning patuloy na maitaas ang vaccination coverage at maparami ang mga mabibigyan ng booster dose.

Ilulunsad ang bakunahan sa MRT ngayong Marso hanggang Abril 1.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni MRT-3 Director for Operations Engr. Michael Capati na sa darating na March 29-31 ay magkakaroon ng bakunahan sa Starmall at Lightmall na konektado sa MRT station mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.


Habang sa April 1 naman ay idaraos ito sa Shangri-La Mall mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Sa mga interesado, pinapayuhang bisitahin ang social media page ng MRT o magtanong sa MRT counter.

Puspusan ang ginagawa ng pamahalaan na magbakuna ng mga Pilipino dahil target nito na makapagbakuna ng 70-M eligible population bago matapos ang Marso.



Facebook Comments