Designated footbridge para sa mga pasahero ng Edsa bus carousel, pinagpaplanuhang itayo ng DOTr

84

Nais magtayo ng Department of Transpiration (DOTr) ng dedicated footbridge para sa mga pasahero ng Edsa bus way carousel sa ilang bahagi ng Edsa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni MRT-3 Director for Operations Engr. Michael Capati na ilan sa mga lugar kung saan planong itayo ang dedicated footbridge ay sa North Avenue at Quezon Avenue.

Ani Capati, sa mga lugar kasing ito halos nakakabit na sa MRT stations ang Edsa bus way carousel kaya siksikan at naghahalo na ang mga pasahero ng MRT-3 at mga sumasakay ng bus.


Layon din nitong hindi na mahirapan pa ang mga commuters.

Facebook Comments