BALASAHAN SA PANGASINAN PPO, ISINAGAWA

Nagsagawa ng balasahan sa kapulisan si Pangasinan PPO Provincial Director PCOL. Rollyfer Capoquian.

Sa panayam kay Pangasinan PPO Provincial Diraector PCol. Rollyfer Capoquian, tatlong Chief of Police sa lalawigan ang napabilang sa balasahan sa pagkokonsidera ng mga natukoy na rason sa mga ito.

Mismong si Capoquian ang nanguna sa command ceremony ng mga COP na mula sa mga bayan ng Bayambang, Mangaldan at Urbiztondo.

Samantala, tiniyak ng kapulisan ang pagbabantay sa lalawigan lalo na ngayong nalalapit ang halalan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments