Muling isinara sa publiko ang Maples River, sa Aguilar, Pangasinan matapos ang naganap na drowning incident nitong nagdaang Semana santa.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Aguilar Police Station Chief of Police PMAJ Mark Taminaya, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo sa malalim na bahagi ang menor de edad kahit hindi ito marunong lumangoy.
Nirespondehan pa ito ng awtoridad at naitakbo pa sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. Nagpaalala ang pulisya na maging alerto upang maiwasan ang naturang insidente.
Aniya, ang mga nakikita umano sa social media na Maples river ay ilang bahagi lamang ng kabuuan ng naturang pook-pasyalan.
Dagdag niya na may ilang bahagi dito na hanggat maaari ay hindi na dapat puntahan dahilan na posibleng may mapahamak.
Nananawagan ito sa mga bisita at turista pagdating sa pagtalima sa mga kautusan upang makaiwas sa kapahamakan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨