SELEBRASYON NG ARAW NG KALAYAAN SA MANAOAG, ITINURING NA KAUNA-UNAHANG AKTIBIDAD NA ISINAGAWA SA GINAGAWANG RIZAL PARK

Ipinagmalaki ng Bayan ng Manaoag ang pag-aalay ng bulaklak sa Bantayog ni Jose Rizal na matatagpuan sa kanilang bagong gawang parke bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Naitala sa Manaoag ang unang pagtitipon na isinagawa sa kasalukuyang ginagawa pang Rizal Park sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan noong Hunyo 12, 2026.

Sa naturang okasyon, dumalo si Major General Ulysses S. Marquez, Chief of Air Staff ng Philippine Air Force (PAF), bilang isa sa mga panauhin ng programa na dinaluhan ng iba’t ibang sektor ng komunidad at lokal na pamahalaan.

Ayon kay Mayor Jeremy Agerico Rosario, ang kasalukuyang sumasailalim sa renovation na parke at tampok ang Bantayog ni Dr. Jose Rizal ay ginamit sa unang pagkakataon bilang venue ng isang pampublikong selebrasyon.

Dito idinaos ang seremonya ng Araw ng Kalayaan na dinaluhan ng mga residente, opisyal, at iba’t ibang organisasyon.

Kapansin-pansin ang modernong disenyo ng parke at malawak na espasyo na angkop para sa mga pampublikong pagtitipon. Ayon sa lokal na pamahalaan, ang naging selebrasyon ang unang malaking pagsubok sa kapasidad ng lugar para sa iba pang aktibidad sa hinaharap. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments