Angel Locsin, hindi pa pwedeng magbuntis

“Hashimoto.”

Ito ang karamdaman na pinagdadaanan ngayon ng aktres na si Angel Locsin.

Ito rin ang dahilan kung bakit isinasantabi muna nila ng asawang si Neil Arce ang pagkakaroon ng anak.


Ayon sa aktres, ang Hashimoto ay parang autoimmune disease at isang uri ng thyroid problem.

Pero wala raw dapat ikabahala ang kanyang mga tagasuporta dahil under medication na siya at kapag naging maayos ang kanyang kalagayan ay handang-handa na siyang maging ina.

Dagdag pa ni Angel na hindi raw siya pressured sa kaniyang mga pregnant friends na sina Angelica Panganiban at Dimples Romana at masaya siya para sa kanila.

Kung ipagkakaloob daw ng Diyos na magkaroon sila ng baby ni Neil ay mangyayari at mangyayari iyon sa tamang panahon.

Facebook Comments