BANCHETTO, MULING BUBUKSAN SA LUNGSOD NG CAUAYAN

117
Cauayan City, Isabela- Bubuksan na sa Biyernes ang Banchetto dito sa Lungsod ng Cauayan matapos ang ilang buwan na walang ganitong klaseng aktibidad dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa muling pagbabalik ng Banchetto ay ilalagay na ito sa Isabela Convention Center o ICON na matatagpuan sa Brgy. San Fermin.

Ipinaliwanag naman ng lokal na pamahalaan ng Cauayan na kaya inilipat sa ICON ang Banchetto mula sa dating Centro ay dahil masyado na umanong congested sa Centro at kawawa rin ang mga dating nakatayong establishimento kung makikipag-agawan pa ang mga magtatayo ng stalls sa Banchetto.

Ikinonsidera rin ng LGU ang ICON dahil sa may maluwag na parkingan na importante para sa mga customer at para maging komportable rin ang mga ito.

Samantala, pinulong na rin nitong Lunes ang mga stall and business owners na makikisali sa Banchetto para sa kanilang orientation at paalala sa kanilang paglalatag ng kanilang pwesto.

Kaugnay nito, maglalagay din ng BANCHETTODA dito sa Lungsod para may masakyan ang mga bisita papunta at palabas ng banchetto.



Bubuksan din ang mga street lights sa daanan papasok sa ICON para maliwanag at ligtas ang mga pupunta sa Banchetto. Magtatapos naman ang Banchetto sa ika-labing tatlo ng Abril ngayong taon.

Facebook Comments