Home AM Bangkay ng 2 nawawalang Pinoy sa Thailand, natagpuan na

Bangkay ng 2 nawawalang Pinoy sa Thailand, natagpuan na

0
Bangkay ng 2 nawawalang Pinoy sa Thailand, natagpuan na
Freedom Beach, Phuket, Thailand photo courtesy of Phuket.com

Nakita na ng mga awtoridad ang mga labi ng dalawang Pilipinong napaulat na nawawala sa isang beach sa Phuket, Thailand matapos tangayin ng alon.

(BASAHIN: 2 Pinoy sa Thailand, nawawala matapos tangayin ng alon – DFA)


Nadiskubre ang bangkay ni Noah “Twitt” Ibay II, 40-anyos, dalawang araw matapos mapaulat na nawawala kasama si Angelo Bien Rafael Cortez.

Bago ito, nakiusap pa ang tiyuhin ni Ibay na si Parang, Maguindanao Mayor Cahar Ibay sa embahada na tumulong sa paghahanap ng mga nawawalang biktima.

Natagpuan naman ng rescuers, Linggo, ang katawan ni Cortez, 29-anyos, isang registered nurse.

Kinumpirma ng mga kaanak at kaibigan ng mga biktima ang mga natagpuang bangkay.

Sina Ibay at Cortez ay kasama ng 11 pang Pilipino na nagbakasyon sa Freedom Beach sa Phuket nang nawala sila kasagsagan ng bagyo.

Ayon sa mga awtoridad sa Thailand, isinawalang bahala ng mga biktima ang babala na huwag lumapit sa tubig dahil sa paparating na bagyo.

Facebook Comments