Bangkay ng isang lola, natagpuan matapos mawala noong Lunes

28

Sorsogon, Philippines – Patay na nang matagpuan ng kanyang mga kaanak ang 67-anyos na lola sa Sitio San Lorenzo, Bibincahan, Sorsogon City.

Kinilala ang biktima na si Wenefreda Furiscal Dollente.

Mismong ang bayaw nito ang nakakita sa bangkay, pasado alas 7:00 kaninang umaga sa masukal na bahagi ng naturang lugar.

Halos hindi na makilala ang biktima dahil naagnas na ang katawan nito.

Nabatid na Lunes pa nang napaulat na nawawala si lola Wenefreda.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad para matukoy ang dahilan ng pagkamatay nito.

Facebook Comments