BANGKAY NG LOLONG MAY KAPANSANAN NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG SA SYUDAD NG LAOAG

Bangkay na ang isang lolo na may kapansanan nang matagpuan sa isang Mini Dam sa Brgy. 56-B, Sitio 1, Bacsil South, Laoag City, Ilocos Norte.

Nakilala ito na si Edison Rafael Mateo, 61 anyos.

Ayon sa report, magpapakain sana ng kanyang mga alagang hayop ang isang residente doon nang natagpuan ang katawan ni Mateo na lumulutang sa tubigan.

Agad na naiahon ang bangkay sa tulong ng kinauukulan. Isinailalim sa post mortem examination ang katawan at napag-alaman na apat na oras na itong patay at ang dahilan ay ang pagkakalunod. | ifmnews

Facebook Comments