Friday, October 16, 2026

Motion for reconsideration laban kay Sen. Erwin Tulfo, ibinasura ng Senate Electoral Tribunal

Ibinasura ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang motion for reconsideration para sa petisyong inihain ni Berteni Causing laban kay Senator Erwin Tulfo.

Sa inilabas na press release ni SET Secretary Jose Luis Geronimo, ibinasura ng tribunal ang mosyon nang walang prejudice o pagkiling sa paghahain ng ibang petisyon.

Hindi na pasok sa prescribed na panahon ng SET ang inihaing mosyon at kinakitaan din ng kawalan ng sapat na porma ang reklamo.

Na-deny ang mosyon dahil naihain ito na hindi na saklaw ng prescribed period at bigo itong makasunod sa paghahain at service requirement na itinatakda ng rules ng SET.

Sa orihinal na petisyon mayroong apat na grounds para patalsikin sa pwesto si Tulfo bilang senador:
• disloyalty o kawalan ng katapatan sa Pilipinas at pagiging tapat sa Estados Unidos
• ang alegasyon na hindi siya Filipino citizen
• pagiging bahagi ng isang political dynasty
• kawalan ng kinakailangang academic qualification

Facebook Comments