Katuwang ang Barangay Security Forces, inalis ang mga naiwang lumot, putik at iba pang residue ng baha na naipon sa mga kalsadang matagal na nalubog sa tubig.
Isinagawa ang clean-up operation nitong Setyembre 13 upang maibalik sa maayos na kondisyon ang mga kalsada at mabawasan ang panganib ng pagkadulas at aksidente sa mga residente at motorista.
Naging problema ang pagkapit ng lumot at putik sa ilang bahagi ng kalsada dahil sa matagal na pananatili ng tubig-baha.
Matatandaang isinailalim sa state of calamity ang Dagupan City noong Agosto 10 kasunod ng malawakang pagbaha sa lungsod.
Mahigit isang buwan matapos ang deklarasyon, unti-unti nang humupa ang tubig sa ilang lugar, dahilan upang makapagsimula na rin ng paglilinis at clearing operations sa mga kalsadang naapektuhan ng baha. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







