KALUSUGAN NG KABABAIHAN, TUTUTUKAN: LIBRENG BREAST EXAM AT IMPLANT SA BAYAMBANG

Handog sa mga kababaihan ng Bayambang ang libreng serbisyong pangkalusugan para sa Clinical Breast Examination (CBE) at contraceptive implant na isasagawa sa Setyembre 23, 2026 sa Rural Health Unit I ng bayan.


‎Layunin ng programa na matulungan ang mga kababaihan na masubaybayan ang kanilang kalusugan, partikular ang kalusugan ng suso, at mabigyan sila ng ligtas at angkop na serbisyong pagpaplano ng pamilya.


‎Kabilang sa mga serbisyong ihahandog ang Clinical Breast Examination o “Kapa,” paglalagay ng contraceptive implant, pagpapalit o muling paglalagay ng implant, at pagtanggal nito.

‎Nilimitahan ang bilang ng mga maaaring tumanggap ng serbisyo upang matiyak na bawat benepisyaryo ay mabibigyan ng sapat na pagsusuri, pagpapayo, at ligtas at dekalidad na pangangalaga mula sa mga health worker.


‎Dahil dito, hinihikayat ang mga interesadong kababaihan na magparehistro nang maaga upang makapaglaan ng sapat na oras at serbisyo para sa bawat benepisyaryo.

‎Ang naturang programa ay mahalagang hakbang upang mapalakas ang kamalayan ng mga kababaihan sa pangangalaga ng kanilang kalusugan, gayundin ang kahalagahan ng regular na pagsusuri at responsableng pagpaplano ng pamilya.


‎Para sa karagdagang impormasyon at detalye ng pagpaparehistro, maaaring bisitahin ang opisyal na post na ibinahagi ng mga kinauukulang health office. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments