Barangay kagawad at 2 pa nitong kasamahan, timbog sa buy-bust operation sa Ilocos Norte

29

Ilocos Norte, Philippines – Inihahanda na ang kaso laban sa isang barangay kagawad at dalawa pa niyang kasamahan matapos naaresto sa isinagawang drug buy bust operation sa Brgy. Gabut Norte sa bayan ng Badoc, Ilocos Norte.

Nakilala ang barangay kagawad na si John Kerwin Bagamaspad, itinuturing na numero uno sa drug watchlist at residente ng Brgy. Bungcag sa bayan ng Dingras sa nasabing lalawigan.

Kasama sa mga naaresto ay sina Edmar Sahagun at si Edwin Garcia na isang civil engineer.

Nakumpiska kay Bagamaspad ang dalawang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy bust money, maraming magasin at bala.

Nabatid na nasa priority watchlist sa Laoag City at high value target sa Ilocos Norte Police Provincial Office si Bagamaspad.
DZXL558

Facebook Comments