Barangay Kapitan, 3 iba pa, Nakaligtas sa Pamamaril ng Gunmen

Cauayan City, Isabela- Maswerteng nakaligtas sa pamamaril ang kapitan ng Brgy. Nanguilattan at tatlong iba pa matapos tambangan ng dalawang hindi pa matukoy na salarin sa National Highway ng Barangay Quibal, PeΓ±ablanca, Cagayan kahapon, May 4, 2022.

Batay sa ulat ng Police Regional Office 2, kinilala ang mga biktima na sina Brgy. Captain Bonifacio Caliguiran, 69, Marvie Caliguiran, 55, asawa ng kapitan; John Rey Caliguiran, 13; at Armelante Collado, 34, pawang mga residente ng Nanguilattan, PeΕ„ablanca, Cagayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad, isang motorsiklo ang nag-overtake sa rescue service na gamit ng mga biktima at agad na pinaputukan ang mga biktima.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang (1) piraso ng basyo ng bala ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril at isang live ammunition na nakita sa kalsada.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at makita ang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments