
Nagbabala si House Assistant Minority Leader Sarah Elago laban sa paggamit sa insidente ng pamamaril sa Tacloban City sa Leyte upang magpatupad ng mabigat na parusa sa mga bata.
Ginawa ni Elago ang pahayag kasunod ng kahandaan umano ng Malacañang na ikunsidera na muling i-review ang batas hinggil sa juvenile criminal responsibility.
Kinukwestyon ng dating Kabataan Party-list representative ang lumalawak na debate sa isyu.
Ani Elago, mauuwi lang sa wala ang mga nakamit na tagumpay sa pagpapalakas ng proteksyon sa mga bata kung susundin ang naturang panukala.
Giit ni Elago, hindi solusyon ang pagpapababa ng edad ng criminal responsibility upang mapigilan ang mga karahasan sa mga paaralan.
Dagdag ni Elago, kahirapan, kawalan ng suporta, at exploitation ang tunay na dahilan kung bakit nasasadlak ang mga bata sa karahasan.










