
Ipinagpapatuloy ngayon ang ika-apat na araw ng pre-trial conference para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Dumating pasado alas nuebe ng umaga ang defense team na pinangunahan ni Atty. Michael Poa habang sa house prosecution panel ay naririto si Congw. Leila de Lima.
Nasa marking of evidence pa rin ang dalawang kampo partikular sa Article 1 o ang misused of confidential funds ni VP Sara at Article 2 o ang unexplained wealth ng bise.
Natatagalan ang proseso ng pagmamarka sa mga exhibits na ipiprisinta sa mismong trial dahil sa libo-libo ang documentary evidences lalo na sa Article 1 na aabot sa 4,000 pahina.
Nagdagdag na rin ng mga table para sa marking stations upang mapabilis ang proseso.
Posible namang hindi matapos ngayong araw ang marking of evidence dahil sa kapal ng volume ng mga ebidensya at abutin pa ito bukas (Huwebes) o hanggang Sabado.










