Thursday, October 22, 2026

Bawat delivery ng pera sa bahay ni former Cong. Zaldy Co sa Taguig at Pasig City, may acknowledgment receipt, ayon sa dating personal assistant ni Alcantara

“May acknowledgment receipt, kung saan nakasaad ang halaga at ang pangalan ng proyektong pinagkunan ng pera, sa kada delivery ng pera sa mga bahay ni dating Congressman Zaldy Co sa Taguig at Pasig City.”

Iyan ang pahayag ni Wilt Walter Rosales, dating personal assistant ni dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara, sa bail hearing ng kasong plunder ni dating House Speaker Martin Romualdez ngayong Huwebes, Oct. 22.

Pirmado rin umano ni John Paul Estrada at Mark Tecsa, dating mga executive assistant ni Co, ang acknowledgment receipt bilang patunay na natanggap nila ang pera kapag hindi kasama si Alcantara sa paghahatid nito.

Gayunpaman, ipinapapunit at ipinap atatapon umano ni Alcantara ang acknowledgment receipt oras na makita niya ito.

Sa kabilang banda, nakita rin umano ni Rosales na binibilang ni dating DPWH project engineer Carlo Rivera ang perang nasa maleta, at si Rivera pa umano ang tumutulong sa paghahanda ng resibo, kung saan sinasabing umabot sa P300 million ang isa sa mga delivery.

Facebook Comments