Wednesday, May 20, 2026

20-ANYOS NA RIDER, PATAY; 4 NA IBA PA SUGATAN SA BANGGAAN NG DALAWANG MOTORSIKLO SA BINMALEY PANGASINAN

Nasawi ang isang 20-anyos na rider habang apat na iba pa ang sugatan matapos ang isang banggaan ng dalawang motorsiklo sa Brgy. Caloocan Sur, Binmaley, Pangasinan madaling araw ng Mayo 18.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente bandang alas-4:30 ng umaga nang magsalpukan ang dalawa sa isang kurbada ng barangay road.

Batay sa ulat, umano’y mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ng 20-anyos na lalaki at napaulat na napunta umano ito sa kabilang linya.

Dahil dito, nasalpok nito ang kasalubong nitong motorsiklo na minamaneho ng 24-anyos na lalaki sakay ang dalawa estudyante. Nagtamo ng iba’t ibang sugat at pinsala sa katawan ang dalawang rider at kanilang mga backride na agad na isinugod sa ospital.

Sa kabila nito, idineklarang dead on arrival ang 20-anyos na driver.

Lumabas sa alcoholic breath test na positibo umano sa alak ang parehong rider, ayon sa mga awtoridad.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente habang nananatili sa lugar ang mga wasak na motorsiklo dahil sa tindi ng pagkakabangga. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments