
Direktang tinanong ng media si Vice President Sara Duterte hinggil sa mga panawagan at kilos-protestang magbitiw na siya sa puwesto sa gitna ng nagpapatuloy na impeachment proceedings at iba pang mga alegasyon laban sa kaniya.
Tahasang sinagot ni Duterte na wala siyang planong bumaba sa puwesto sa kabila ng mga kinakaharap na usaping pampulitika.
Itinanggi naman ni VP Sara ang mga iprinisentang ebidensya umano ni NBI Director Melvin Matibag kaugnay ng kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Giit naman ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag, nakabatay lamang ang imbestigasyon sa mismong deklarasyon ng Bise Presidente at sa mga rekord mula sa Land Registration Authority (LRA), kabilang ang 22 transfer certificates of title (TCT) na kasalukuyang sinusuri.










