
Itinuturing ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na banta sa seguridad ng bansa ang alegasyong tumanggap ng pondo mula sa China si Vice President Sara Duterte at ang kaniyang asawang si Atty. Mans Carpio.
Sa press briefing sa Singapore, kinumpirma ng Pangulo na masusing iniimbestigahan ng Department of National Defense (DND) ang alegasyon.
Hindi aniya simpleng usapin ang alegasyon dahil nakataya rito ang seguridad ng estado lalo na kung mapatutunayang totoo.
Samantala, himanon naman ng Pangulo si VP Sara na patunayan ang paratang na siya ang nasa likod ng umano’y kampanya para siraan bise presidente, kabilang ang paglutang ni Rudolfo Gracioso.
Nilinaw rin ng Pangulo na ang pagtawag niya ng “mga buwaon” o mga sinungaling kay VP Sara, ay hindi opisyal na pahayag ng Palasyo.
Reaksiyon niya lamang aniya ito sa alegasyon ni Bise Presidente na umano’y binabago niya ang Konstitusyon upang pigilan ang halalan sa 2028.










