Bayan ng Villaviciosa sa Abra, niyanig ng 5.2 magnitude na lindol

106

Niyanig ng 5.2 magnitude na lindol ang bayan ng Villaviciosa sa Abra kaninang 2.48 ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang pinagmulan nito at may lalim itong 22 kilometro.

Naitala naman ng Phivolcs ang Intensity V sa Bantay, Ilocos Sur; Intensity IV sa Bangued, Abra at Intensity III naman Baguio City.


Naramdaman din ang pagyanig sa Vigan at Sinait sa Ilocos Sur, Pasuquin at Laoag City sa Ilocos Norte, Tabuk, Kalinga, Claveria at Penablanca sa Cagayan, Dagupan City sa Pangasinan at Ilagan sa Isabela.

Facebook Comments