BBM-Sara UniTeam, may pangako na ipaprayoridad ang trabaho at pananalapi sakaling palaring manalo sa 2022 election

342

Nangako sina Presidential Aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos at Vice Presidential bet Mayor Sara Duterte-Carpio na bibigyan nila ng prayoridad ang seguridad sa trabaho at pananalapi sakaling manalo sa 2022 elections.

Ayon kay Marcos, nais nilang makabalik sa trabaho ang mga Pilipino at magkaroon muli ng pera sa kanilang bulsa na pambayad sa kanilang pangangailangan.

Aniya, isa sa susi upang magkaroon ng magandang kinabukasan ay iparamdam sa taumbayan na may pag-asa para makabalik sa dating sigla ang ating ekonomya.


Sinabi rin ni Marcos na isa sa napagkasunduan nila ni Mayor Sara na maging simbolo ng pagkakaisa.

Kasabay nito, iginiit ni Mayor Sara na walang maitutulong na mabuti kung ang Pilipino ay mag-aaway-away.

Ngayong mayroong pandemya, mahalaga aniya ang pagtutulungan ng lahat.



Facebook Comments